Mga Bilang 35:30
Ang Biblia, 2001
30 Kung(A) ang sinuman ay pumatay ng isang tao, ang pumatay ay papatayin sa patotoo ng mga saksi; ngunit walang taong maaaring patayin sa patotoo ng isang saksi.
Read full chapter
Deuteronomio 19:15
Ang Biblia, 2001
Tungkol sa mga Saksi
15 “Ang(A) nag-iisang saksi ay hindi mangingibabaw laban sa isang tao sa anumang kasamaan o kasalanang kanyang nagawa; sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay pagtitibayin ang usapin.
Read full chapter
Mateo 18:16
Ang Biblia, 2001
16 Ngunit(A) kung hindi siya makinig ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ay mapagtibay ang bawat salita.
Read full chapter
2 Corinto 13:1
Ang Biblia, 2001
Mga Panghuling Babala at Pagbati
13 Ito(A) ang ikatlong pagkakataon na ako'y darating sa inyo. Anumang bintang ay dapat pagtibayin ng dalawa o tatlong saksi.
Read full chapter
1 Timoteo 5:19
Ang Biblia, 2001
19 Huwag(A) kang tatanggap ng sumbong laban sa matanda, maliban sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi.
Read full chapter
Mga Hebreo 10:28
Ang Biblia, 2001
28 Ang(A) sumuway sa kautusan ni Moises, sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay walang awang namamatay.
Read full chapter