Mga Bilang 21:29
Ang Biblia (1978)
29 Sa aba mo, Moab!
Ikaw ay napahamak, Oh bayan ni (A)Chemos:
Na nagpagala ng kaniyang mga anak na lalake,
At ipinabihag ang kaniyang mga anak na babae,
Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo.
Isaias 46:1-2
Ang Biblia (1978)
Pinagparis ang idolo ng Babilonia at ang Panginoon ng Israel.
46 Si Bel ay nagpapatirapa, sa Nebo ay (A)yumuyukod; ang kanilang mga diosdiosan ay pasan sa ibabaw ng mga hayop, at sa ibabaw ng mga baka: ang mga bagay na inyong daladalang inilibot ay mabigat na pasan sa pagod na hayop.
2 Sila'y yumuyukod, sila'y nangagpapatirapang magkakasama; hindi nila maiwasan ang pasan, kundi sila ma'y napapasok sa pagkabihag.
Read full chapter
Jeremias 43:12
Ang Biblia (1978)
12 At ako'y magsisilab ng apoy sa mga bahay ng (A)mga dios ng Egipto; at kaniyang mga susunugin, at sila'y (B)dadalhing bihag: at kaniyang aariin ang lupain ng Egipto na parang pastor na nagaari ng kaniyang kasuutan; at siya'y lalabas na payapa mula riyan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978