Mga Awit 2:7
Ang Biblia (1978)
7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (A)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
Mateo 4:3
Ang Biblia (1978)
3 At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.
Read full chapter
Mateo 4:6
Ang Biblia (1978)
6 At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat,
(A)Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo:
at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay,
Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
Mateo 8:29
Ang Biblia (1978)
29 At narito, sila'y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na (A)Anak ng Dios? naparito ka baga upang kami'y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan?
Read full chapter
Mateo 26:63
Ang Biblia (1978)
63 Datapuwa't hindi umimik si (A)Jesus. At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya, (B)Kita'y pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, (C)ang Anak ng Dios.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978