Mga Awit 148:6
Ang Biblia (1978)
6 (A)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
Isaias 54:9-10
Ang Biblia (1978)
9 Sapagka't ito ay (A)parang tubig ng panahon ni Noe sa akin; sapagka't kung paanong ako'y sumumpa, na ang tubig ng panahon ni Noe ay hindi na aahon pa sa lupa, gayon ako'y sumumpa na hindi ako magiinit sa iyo, o sasaway sa iyo.
10 Sapagka't ang mga bundok ay (B)mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o (C)ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.
Read full chapter
Jeremias 23:20-21
Ang Biblia (1978)
20 Ang galit ng Panginoon ay (A)hindi mapaparam, hanggang sa kaniyang magawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso: sa mga huling araw ay lubos ninyong mauunawa.
21 Hindi ko sinugo (B)ang mga propetang ito, gayon ma'y nagsitakbo sila: ako'y hindi nagsalita sa kanila, gayon ma'y nanghula sila.
Read full chapter
Jeremias 23:25
Ang Biblia (1978)
25 Aking narinig kung ano ang sinabi ng mga propeta, (A)na nanganghuhula ng mga kasinungalingan sa aking pangalan, na nangagsasabi, Ako'y nanaginip, ako'y nanaginip.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978