Levitico 26:5
Ang Biblia (1978)
5 At ang inyong (A)paggiik ay aabot hanggang sa pagaani ng mga ubas, at ang pagaani ng ubas ay aabot sa paghahasik: (B)at kakanin ninyo ang inyong pagkain na sagana, at tatahan kayong tiwasay sa inyong lupain.
Read full chapter
Deuteronomio 12:10
Ang Biblia (1978)
10 Datapuwa't (A)pagtawid ninyo ng Jordan, at pagtahan sa lupain na ipinamamana sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, at pagkabigay niya sa inyo ng kapahingahan sa lahat ng inyong mga kaaway sa palibot, na ano pa't kayo'y tumahang tiwasay;
Read full chapter
Mga Awit 4:8
Ang Biblia (1978)
8 (A)Payapa akong hihiga at gayon din matutulog:
Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
Mga Kawikaan 1:33
Ang Biblia (1978)
33 Nguni't (A)ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay.
At (B)tatahimik na walang takot sa kasamaan.
Jeremias 23:6
Ang Biblia (1978)
6 Sa kaniyang mga kaarawan ay (A)maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating (B)katuwiran.
Read full chapter
Ezekiel 34:25
Ang Biblia (1978)
Ang tipan ng kapayapaan.
25 At (A)ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at (B)aking papawiin ang mga masamang hayop sa lupain; at (C)sila'y magsisitahang tiwasay sa ilang, at mangatutulog sa mga gubat.
Read full chapter
Ezekiel 34:28
Ang Biblia (1978)
28 At sila'y hindi na magiging pinakahuli sa mga bansa, o lalamunin man sila ng hayop sa lupa; kundi sila'y magsisitahang tiwasay, at walang tatakot sa kanila.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978