Jeremias 50:29
Ang Biblia (1978)
29 Inyong pisanin ang mga mamamana laban sa Babilonia, silang lahat na nangagaakma ng busog; magsitayo kayo laban sa kaniya sa palibot; huwag bayaang mangakatanan: (A)inyong gantihin siya ayon sa kaniyang gawa; ayon sa lahat niyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya; (B)sapagka't siya'y naging palalo laban sa Panginoon, laban sa Banal ng Israel.
Read full chapter
Ezekiel 35:15
Ang Biblia (1978)
15 Kung paanong ikaw ay nagalak sa mana ng sangbahayan ni Israel, dahil sa sira, gayon ang gagawin ko sa iyo: ikaw ay magiging sira, Oh bundok ng Seir, at (A)buong Edom, oo, lahat ng ito; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Read full chapter
Habacuc 2:8
Ang Biblia (1978)
8 Dahil sa iyong sinamsaman ang (A)maraming bansa, lahat ng nalabi sa mga tao ay magsisisamsam sa iyo, (B)dahil sa dugo ng mga tao, at dahil sa karahasang ginawa sa lupain, sa bayan at sa lahat ng nagsisitahan doon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978