Isaias 9:14-15
Ang Biblia (1978)
14 Kaya't puputulin ng Panginoon sa Israel ang ulo't buntot, ang sanga ng palma at ang tambo, (A)sa isang araw.
15 Ang matanda at ang marangal na tao, siyang ulo; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan, siyang buntot.
Read full chapter
Jeremias 23:13
Ang Biblia (1978)
13 At nakita ko ang kamangmangan sa mga propeta ng (A)Samaria; (B)sila'y nanganghuhula sa pamamagitan ni Baal, at inililigaw ang aking bayang Israel.
Read full chapter
Jeremias 23:32
Ang Biblia (1978)
32 Narito, ako'y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip, sabi ng Panginoon, at sinasaysay, at (A)inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan, at (B)sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan: gayon man ay hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon.
Read full chapter
Mikas 2:11
Ang Biblia (1978)
11 Kung ang isang taong lumalakad sa espiritu ng kabulaanan ay nagsisinungaling, na nagsasabi, Ako'y manghuhula sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin; (A)siya nga'y magiging propeta sa bayang ito.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978