Isaias 44:3
Ang Biblia (1978)
3 Sapagka't (A)ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi:
Read full chapter
Zacarias 12:10
Ang Biblia (1978)
10 (A)At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; (B)at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na (C)gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay.
Read full chapter
Mga Gawa 2:17-21
Ang Biblia (1978)
17 At mangyayari sa mga huling araw, (A)sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu (B)sa lahat ng laman:
At ang inyong mga anak na lalake at (C)babae ay manganghuhula,
At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain,
Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip:
18 Oo't sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon
Ibubuhos ko ang aking Espiritu; (D)at magsisipanghula sila.
19 At magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas,
At mga tanda sa lupa sa ibaba,
Dugo, at apoy, at singaw ng usok:
20 (E)Ang araw ay magiging kadiliman,
At ang buwan ay dugo,
Bago dumating ang araw ng Panginoon,
Yaong araw na dakila at tangi:
21 At mangyayari na ang (F)sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978