Exodo 30:12
Ang Biblia (1978)
12 (A)Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila (B)ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang (C)huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila.
Read full chapter
Exodo 30:16
Ang Biblia (1978)
16 At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, (A)at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging (B)pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa.
Read full chapter
2 Cronica 24:6
Ang Biblia (1978)
6 At ipinatawag ng hari si Joiada na pinuno, at sinabi sa kaniya, Bakit hindi mo ipinadala sa mga Levita ang buwis (A)na iniutos ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng kapisanan ng Israel, mula sa Juda, at mula sa Jerusalem, na ukol sa (B)tabernakulo ng patotoo?
Read full chapter
2 Cronica 24:9
Ang Biblia (1978)
9 At sila'y nangagtanyag sa Juda at sa Jerusalem, na dalhin sa Panginoon (A)ang buwis na iniatang ni Moises na lingkod ng Dios sa Israel sa ilang.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978