Exodo 14:19
Ang Biblia (1978)
19 At ang anghel ng Dios (A)na nasa unahan ng kampamento ng Israel, ay humiwalay at napasa hulihan nila; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila:
Read full chapter
Exodo 14:24
Ang Biblia (1978)
24 At nangyari, sa (A)pagbabantay sa kinaumagahan, na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio.
Read full chapter
Exodo 40:38
Ang Biblia (1978)
38 Sapagka't ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw, at may apoy sa loob niyaon sa gabi, sa paningin ng buong lahi ng Israel, sa kanilang buong paglalakbay.
Read full chapter
Mga Bilang 9:15
Ang Biblia (1978)
Ang ulap sa tabernakulo.
15 (A)At nang araw na ang tabernakulo ay itayo, ay tinakpan ng ulap ang tabernakulo, sa makatuwid baga'y ang tabernakulo ng patotoo: (B)at sa paglubog ng araw ay nasa ibabaw ng tabernakulo na parang anyong apoy hanggang sa kinaumagahan.
Read full chapter
Mga Bilang 10:34
Ang Biblia (1978)
34 At (A)ang ulap ng Panginoon ay nasa itaas nila sa araw, pagka sila'y sumulong mula sa kampamento.
Read full chapter
Mga Bilang 14:14
Ang Biblia (1978)
14 At kanilang sasaysayin sa mga tumatahan sa lupaing ito. (A)Kanilang nabalitaan na ikaw Panginoon, ay nasa gitna ng bayang ito; sapagka't ikaw Panginoon, ay napakita ng mukhaan, (B)at ang iyong ulap ay nakatindig sa ibabaw ng mga yaon, at ikaw ay nangunguna sa kanila, sa isang haliging ulap sa araw, at sa isang haliging apoy sa gabi.
Read full chapter
Deuteronomio 1:33
Ang Biblia (1978)
33 (A)Na nagpauna sa inyo sa daan, (B)upang ihanap kayo ng dakong mapagtatayuan ng inyong mga tolda, na nasa apoy pagka gabi, upang ituro sa inyo kung saang daan kayo dadaan, at nasa ulap pagka araw.
Read full chapter
Nehemias 9:12
Ang Biblia (1978)
12 Bukod dito'y iyong (A)pinatnubayan sila sa isang tila haliging ulap sa araw; at sa isang tila haliging apoy sa gabi, upang bigyan sila ng tanglaw sa daan na kanilang lalakaran.
Read full chapter
Nehemias 9:19
Ang Biblia (1978)
19 Gayon ma'y ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo pinabayaan sila sa ilang: ang tila haliging ulap ay hindi humiwalay sa kanila sa araw, upang patnubayan sila sa daan; ni ang tila haliging apoy man sa gabi, upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran.
Read full chapter
Mga Awit 78:14
Ang Biblia (1978)
14 (A)Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap,
At buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
Mga Awit 99:7
Ang Biblia (1978)
7 Siya'y nagsasalita sa kanila (A)sa haliging ulap:
Kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.
Mga Awit 105:39
Ang Biblia (1978)
39 (A)Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong;
At apoy upang magbigay liwanag sa gabi,
Isaias 4:5
Ang Biblia (1978)
5 At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang (A)ulap at usok sa araw, at ng (B)liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo.
Read full chapter
1 Corinto 10:1
Ang Biblia (1978)
10 Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, (A)na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, (B)at ang lahat ay nagsitawid sa dagat;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978