Eclesiastes 3:13
Ang Biblia, 2001
13 At kaloob ng Diyos sa tao na ang bawat isa ay kumain, uminom, at masiyahan sa lahat ng kanyang pinagpaguran.
Read full chapter
Eclesiastes 5:18
Ang Biblia, 2001
18 Ito ang aking nakita na mabuti: nararapat na kumain, uminom, at magalak sa lahat ng kanyang pinagpaguran na kanyang ginagawa sa ilalim ng araw sa lahat ng kakaunting araw ng kanyang buhay na ibinigay sa kanya ng Diyos, sapagkat ito ang kanyang kapalaran.
Read full chapter
Eclesiastes 9:7
Ang Biblia, 2001
7 Humayo ka, kumain ka ng iyong tinapay na may kagalakan, at inumin mo ang iyong alak na may masayang puso; sapagkat sinang-ayunan na ng Diyos ang iyong ginagawa.
Read full chapter
Isaias 56:12
Ang Biblia, 2001
12 “Kayo'y pumarito,” sabi nila, “kumuha tayo ng alak,
at punuin natin ang ating sarili ng matapang na inumin;
at ang bukas ay magiging gaya ng araw na ito,
dakila at walang katulad.”
Lucas 12:19
Ang Biblia, 2001
19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa ‘Kaluluwa, marami ka nang pag-aaring nakaimbak para sa maraming taon; magpahinga ka, kumain ka, uminom ka, magsaya ka.’
Read full chapter
1 Corinto 15:32
Ang Biblia, 2001
32 Kung(A) bilang isang tao lamang ay lumaban ako sa mga maiilap na hayop sa Efeso, ano ang aking mapapakinabang? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, “Tayo ay kumain at uminom, sapagkat bukas tayo'y mamamatay.”
Read full chapter