Awit ng mga Awit 1:4
Ang Biblia (1978)
4 Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo:
(A)Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid:
Kami ay matutuwa at magagalak sa iyo.
Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak:
Matuwid ang pagsinta nila sa iyo.
Apocalipsis 19:7-8
Ang Biblia (1978)
7 Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; (A)sapagka't dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang (B)kaniyang asawa ay nahahanda na.
8 At (C)sa kaniya'y ipinagkaloob na (D)damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka't ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.
2 Samuel 13:18
Ang Biblia (1978)
18 At (A)siya'y may suot na sarisaring kulay: sapagka't ang mga gayong kasuutan ang isinusuot ng mga anak na dalaga ng hari. Nang magkagayo'y inilabas siya ng kaniyang alipin at tinarangkahan ang pintuan pagkalabas niya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978