2 Mga Hari 6:28-29
Ang Biblia (1978)
28 At sinabi ng hari sa kaniya, Anong nangyayari sa iyo? At siya'y sumagot, Sinabi ng babaing ito sa akin, Ibigay mo ang iyong anak, upang makain natin siya ngayon, at kakanin natin ang anak ko bukas.
29 (A)Sa gayo'y pinakuluan namin ang anak ko, at kinain namin siya: at sinabi ko sa kaniya sa sumunod na araw, Ibigay mo ang iyong anak, upang makain natin siya; at kaniyang ikinubli ang kaniyang anak.
Read full chapter
Mga Panaghoy 2:20
Ang Biblia (1978)
20 Tingnan mo, Oh Panginoon, at masdan mo, kung kanino mo ginawa ang ganito!
(A)Kakanin baga ng mga babae ang kanilang ipinanganak, ang mga anak na kinakalong sa mga kamay?
Papatayin baga ang saserdote at ang propeta sa santuario ng Panginoon?
Mga Panaghoy 4:10
Ang Biblia (1978)
10 (A)Ang mga kamay ng mga (B)mahabaging babae ay nangagluto ng kanilang sariling mga anak;
Mga naging kanilang pagkain sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978