1 Mga Hari 22:43
Ang Biblia (1978)
43 (A)At siya'y lumakad ng buong lakad ni Asa na kaniyang ama; hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa mga mata ng Panginoon: gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ang bayan ay nagpatuloy na naghahain, at nagsusunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.
Read full chapter
2 Cronica 15:17
Ang Biblia (1978)
17 Nguni't ang mga (A)mataas na dako ay hindi inalis sa Israel: gayon ma'y ang puso ni Asa ay sakdal sa lahat ng kaniyang mga kaarawan.
Read full chapter
2 Cronica 19:3
Ang Biblia (1978)
3 Gayon ma'y may (A)mabuting mga bagay na nasumpungan sa iyo, sa iyong (B)pagaalis ng mga Asera sa lupain, at inilagak mo ang iyong puso upang hanapin ang Dios.
Read full chapter
2 Cronica 35:3
Ang Biblia (1978)
3 At sinabi niya sa mga Levita (A)na nangagturo sa buong Israel, na mga banal sa Panginoon, Ilagay ninyo ang banal na kaban sa bahay na itinayo ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel; hindi na magkakaroon pa ng pasan sa inyong mga balikat. Maglingkod kayo ngayon sa Panginoon ninyong Dios, at sa kaniyang bayang Israel;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978