Mateo 13:31-32
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Paghahalintulad sa Buto ng Mustasa(A)
31 Ikinuwento pa sa kanila ni Jesus ang paghahalintulad na ito: “Ang kaharian ng Dios ay katulad ng isang buto ng mustasa[a] na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. 32 Ito ang pinakamaliit sa lahat ng buto. Ngunit kapag tumubo at lumaki na, nagiging mas mataas ito kaysa sa ibang mga halamang gulay, na parang punongkahoy ang taas, at pinupugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”
Read full chapterFootnotes
- 13:31 mustasa: Itoʼy isang uri ng mustasa na mataas.
Mateo 13:34
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Paggamit ni Jesus ng mga Paghahalintulad o mga Talinghaga(A)
34 Gumamit si Jesus ng mga paghahalintulad o mga talinghaga sa lahat ng kanyang pangangaral tungkol sa paghahari ng Dios. Hindi siya nangaral sa mga tao nang hindi sa pamamagitan nito.
Read full chapter
Lucas 13:18-19
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Paghahalintulad sa Buto ng Mustasa(A)
18 Nagpatuloy si Jesus sa pagtuturo niya, “Ano kaya ang katulad ng paghahari ng Dios? Sa ano ko kaya ito maihahambing? 19 Katulad ito ng isang buto ng mustasa[a] na itinanim ng isang tao sa kanyang taniman. Tumubo iyon at lumaki na parang punongkahoy ang taas, at pinamugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”
Read full chapterFootnotes
- 13:19 mustasa: Itoʼy isang uri ng mustasa na mataas.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®